Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne San Jose at Abra, nag-collaborate para sa isang bagong kanta


Natupad na ang hiling ng maraming fans na magkaroon ng collaboration ang singer na si Julie Anne San Jose at rapper na si Abra.
 
Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel, kamakailan lamang nang i-record ng dalawa ang kanilang unang single na pinamagatang “Dedma.”

Sina Julie Anne at Abra raw mismo ang nagsulat ng kanta.
 
“Ako nagsulat nung verses. Si Julie nagsulat nung chorus tsaka nung bridge. So, hati kami diyan. Produced ni Sir Jonathan Ong dito sa Sonic State (Audio) so siguradong mabubulabog ang mga isip niyo,” ani Abra
 


Bukod sa matagal nang pinag-iisipan ng magkaibigan ang pagsasama sa isang single, nais rin nilang pagbigyan ang mga fans na humihiling ng collaboration sa pagitan ng singer at rapper.
 
Ayon kay Julie Anne, “Medyo matagal na rin kaming magkakilala ni Abra. Tapos sabi namin, gusto naming magkaroon ng collaboration and yung mga supporters din, yung ibang mga tao, matagal na silang nagre-request.”
 
Nais raw opisyal na ilabas nina Julie at Abra ang single ngayon buwan.
 
Bukod pa rito, maglalaan din ng oras ang dalawa sa paggawa ng music video ng kanilang kanta. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News