Filtered By: Opinion
Opinion

PostScript ni Jessica Soho: Imahe ng pulis


Macho't matipuno, makisig at maginoo—mga katangiang nakatulong sa 29-anyos na pulis na si Mariano Flormata Jr. na magwagi sa kompetisyong Misters of the Philippines. Puntos daw kung tutuusin ang kanyang pagkapanalo para pumogi rin ang imahe ng PNP, kung ganun lang sana kadali.
 
Pero tila mahirap baguhin ang lumalalang imahe ng mga pulis sa publiko lalo na't sunud-sunod na namang kontrobersiya ang kinasasangkutan ng mga kabaro ni Flormata kamakailan. Ang diumano'y hulidap sa EDSA, ang pagpaslang sa race car driver na si Enzo Pastor at marami pang iba. Tila hindi na po pambihira ang mga kuwento ng tiwaling parak o "hoodlums in uniform."
 
Kung may babaguhin man sa imahe ng PNP, dapat itong magsimula sa pagsusuri ng organisasyon sa sarili hanggang ang mamang pulis, muling makita na tapat, maaasahan, at karapat-dapat saluduhan.
 
 
Ang “PostScript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV.