Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mensahe ni Alessandra de Rossi sa mga 'Sandy' sa mundo: 'Mag-move on na kayo'


Sa "Ang Dalawang Mrs. Real," in love pa rin si Sandy (Alessandra de Rossi) sa ex-boyfriend niyang si Anthony (Dingdong Dantes) kaya’t kinaibigan niya ang asawa nitong si Millet (Maricel Soriano) para maging malapit pa rin sa lalaki.
 
Naging best friends ang dalawa pero nagkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan nang malaman ni Millet na may nararamdaman pa rin si Sandy para kay Anthony.
 
Kung may payo daw si Alessandra sa mga taong katulad ng kanyang character sa naturang teleserye, ito ay ang mag-move on na.
 
"My gosh, mag-move on na kayo. Kasi kapag hindi kayo nag-move on, hindi magbibigay si God ng para sa inyo. Dapat i-open niyo ang puso niyo sa ibang tao. Kapag hindi na meant for you, pakawalan mo na."
 
Mahirap din daw ang position ni Sandy bilang kaibigan, kung dapat ba niyang isumbong si Anthony kay Millet nang malaman niya ang tungkol sa kinakasama nitong si Shiela.
 
"Sa totoo lang, hindi ko alam. Sobrang hirap ng position, lalo na kung kaibigan mo pareho, di ba? Feeling ko naman at one point, masasabi ko rin kapag ready na ako, ready na ako sa consequences. Pero kung nakikita ko na kailangan ko munang itago, I don't know kung ano ang dahilan, siyempre hindi ko muna sasabihin. Pero kung kailangan agad-agad malaman, of course gagawan ko ng paraan."
 
Kung siya si Millet, iiwan ba niya si Anthony o bibigyan niya ng pangalawang pagkakataon?
 
"Iiwanan ko siya. I believe in the sanctity of marriage pero 'yung asawa ko parang hindi masyadong naniwala doon," patawa niyang sagot.
 
Dagdag pa niya, "'Yung one-night stand, ayokong mangyari sa akin pero baka mapatawad ko kung kinakailangan or kung busog ako nang malaman ko ang balitang 'yun. Pero ang mahabang panloloko, 'yung may pregnancy, may kasal, sobrang haba na ng deception. Kasi kung one night, kaya ko 'yun eh. Nagkamali ka, sige ilihim mo na sa akin, huwag mo nang sabihin. Pero 'yung ganung kahabang pagsisinungaling, hindi ko mapapatawad 'yun." — GMANetwork.com