Filtered By: Newstv
NewsTV

OPM Hitmen, makiki-jamming kay Igan sa 'TWAC'




O.P.M. HITMEN!
Wednesday
September 3, 2014, 10:15 pm

 
Ngayong Miyerkules, maki-sing along sa pinakasikat na love songs noong dekada nobenta gaya ng “Ikaw Lang,” “Why Can’t It Be,” “Paminsan-minsan” at ang videoke favorite, “Remember Me” kasama sina Chad Borja, Rannie Raymundo, Richard Reynoso at Renz Verano na ngayon ay kilala rin bilang "OPM Hitmen."
 
Sikat at may matatag na following ang bawat isa sa kanila bilang solo artist, pero dahil magbabarkada na rin daw sila noon pa man, binuo na nila ang grupo para lalong mapasaya ang kanilang loyal fans. The more, the merrier ika nga!
 
Seryoso, macho at matipuno kung sila’y titingnan pero dahil sa kuwelang kuwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio, makikita na ang itinatagong “wild at kengkoy side” ng mga ito!


 
Sumali sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio