Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Dading' star Gabby Eigenmann careful not to offend LGBT community



Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com

Maraming social issues ngayon ang kinakaharap ng mga taong kabilang sa LGBT community. Kaya ayon sa Dading star na si Gabby Eigenmann, iniiwasan niyang ma-offend ang mga ito sa pag-portray niya ng gay character sa GMA Afternoon Prime soap.
 
“Tanggap na tanggap! (laughs),” pahayag ni Gabby nang kumustahin namin ang role ni Carding. Dagdag pa niya, “Ngayon mas lalo pa akong nag-e-enjoy.”
 
Kuwento ni Gabby, natutuwa raw siya dahil marami ang nag-aakala na bading talaga siya in real life. “To the others, 'yung mga hindi nila alam na straight guy talaga ako, they really thought that I was gay. Ako okay lang, it means that I'm doing the job properly,” saad niya.
 
Nang tanungin namin si Gabby kung nakababawas ba ng pagkalalaki ang pag-portray ng gay role, isang confident na “no” ang sagot ng aktor. “Sabi nga ni Carding, 'mas parang lalaki pa nga ako eh,'” pag-quote ni Gabby sa kanyang character sa Dading.
 
“But honestly, the character of Carding is very delicate. I have to have the right emotion which is hard because I'm not gay,” saad niya.
 
Ayon sa aktor, hindi gaanong kadali ang pag-portray ng gay role dahil kumbaga sa kape, mayroon itong tamang timpla. Aniya, “Like I've said before, 'yung pilantik ng daliri, 'yung mata, madaling gawin 'yan. Kahit sino puwedeng gumawa noon. Pero the right emotion, the right execution, doon ako medyo kailangan careful.”
 
Dagdag niya, “I don't want to offend kasi siyempre. Supportive naman ako sa LGBT so I want to be precise.” — Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com