Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bela Padilla, itinangging inisnab niya si Louise delos Reyes


Pinabulaanan ni Bela Padilla ang lumabas na ulat na hindi niya pinansin si Louise delos Reyes nang magkasalubong umano ang dalawa matapos ang isang show.

Sa "Startalk" nitong Sabado, sinabi ni Bela na nagulat din siya nang malaman ang naturang balita tungkol sa hindi nila pagpapansinan ni Louise.



"Ang wierd lang kasi ako pa nga [ang] unang nakipag-usap," ani Bela. "Wala naman kaming anything kaya nagugulat ako."

Paniwala ni Bela, ginagawan lang sila ng isyu ni Louise dahil pinsan niya si Kylie Padilla.

Nadadawit ang pangalan ni Louise sa naging breakup nina Kylie at nobyo nitong si Aljur Abrenica, na naging leading man ni Louise sa "Kambal Sirena." -- FRJ, GMA News