Filtered By: Newstv
NewsTV

Tacloban Mayor Alfred Romualdez sa 'Bawal ang Pasaway'


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
7 July 2014 Episode
TACLOBAN MAYOR ALFRED ROMUALDEZ


Halos walong buwan na ang lumipas nang tamaan ng bagyong Yolanda ang malaking bahagi ng Visayas. Pinakamatinding nasalanta ang lungsod ng Tacloban dahil tabing dagat ito.

Ayon kay Tacloban Mayor Alfred Romualdez, nahihirapan sila sa rehabilitasyon ng siyudad dahil sa kakulangan sa pondo. Ilang beses na umano siyang humihingi ng tulong sa administrasyong Aquino at ilang beses na rin umanong sinasabi sa kanya na hintayin na lang ang ibibigay nilang tulong.



Ayon din sa alkalde, hindi dumadaan sa kanya ang mga tulong na padala ng  international organizations. Sa kabila nito, ang pangunahing inaasikaso raw niya ay ang pabahay na paglilipatan sa mga pamilyang nasa mga tent city at danger zones. 

Magugunitang naging malaking isyu ang di pagkakaunawaan nina Romualdez at Interior and Local Governments Secretary Mar Roxas noong lugmok sa krisis ang Tacloban.

Naayos na ba ang gusot na ito para sa interes ng mga nahihirapang mamamayan ng Tacloban? Alamin iyan sa panayam ni Prof. Solita Monsod kay Romualdez sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 PM sa GMA News TV Channel 11.