Filtered By: Newstv
NewsTV

Status: Libelous sa 'Bawal ang Pasaway'


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
24 February 2014 Episode
STATUS: LIBELOUS

 

 
Nag-aalala ang mga taong nasa Facebook, Twitter at iba pang social networking sites sa epekto ng Anti-Cybercrime Law na pinagtibay ng Korte Suprema kamakailan.
 
Ayon kay Atty. JJ Disini, isang Internet law expert, sa ilalim ng batas na ito, ang parusa sa online libel ay mas mataas kaysa sa iba pang uri ng media tulad ng peryodiko, radyo at telebisyon. Sa mga ito, ang isang bilang ng libel ay may parusang apat na taon pataas. Sa online libel, ang pagkakakulong ay mula walong taon pataas.
 
Pero sa ilalim din ng batas na ito, mas madali na raw matukoy ang mga abusado at gumagamit ng Internet sa krimen, ayon kay Atty. Ronald Aguto, hepe ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigatation.
 
Sa ilalim kasi ng Cybercrime Law, ang mga Internet service providers ay maaring atasang itago ang record ng data ng isang user ng hanggang isang taon. Makatutulong ito upang malaman ang aktibidad ng isang tao sa Internet.   
 
Alamin ang iyong karapatan at responsibilidad sa pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa Internet. Manood ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod sa Lunes, ika-10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.